Skip to main content

Walang Magpupuyat Dahil May Pasok | September 6, 2023

BASAHIN MO ULIT. TAMA!
MAY PASOK NA!
Dahil bumubuti na ang kalagayan ng ating panahon, back-to-school na po bukas, September 6, 2023, ang mga estudyante sa lahat ng antas, sa publiko at pribadong paaralan dito sa ating bayan.
Gayunpaman, kung sakaling muling maging masama ang panahon, magiging maagap po kami sa pagkansela ng klase. Nagpapaalala po kami na may diskresyon po kayo bilang magulang sa pagpapapasok ng inyong mga anak kung sakali man na maging maulan at walang anunsyo. Alam natin na lagi’t lagi tayo po ay para sa kaligtasan ng mga bata.
Huwag kalimutang magdala pa rin ng payong o kapote at mag-aral ng mabuti.
Tulog na, kids!
Maraming salamat!
#MayorBootsRodriguez #Capas #SaGobyernongTapatCapasAngAangat

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac