
Tupad Payout | July 28, 2023
July 28, 2023 | Municipal Covered Court—- Masungit man ang panahon dahil sa bagyong Egay, matagumpay pa rin na naisagawa ang payout ng ating mga TUPAD beneficiaries sa pangunguna ng ating PESO Capas Tarlac .
Sabay-sabay na tumanggap ng Php 4,600. ang kada isa sa 409 beneficiaries para sa 10-araw na community clean-up program na mula June 6-20, 2023 at June 22- July 05, 2023.
Lubos po ang aming pasasalamat kay Senator Lito Lapid at Governor Susan Yap sa kanilang tulong at suporta sa mga proyekto para sa ating mga mamamayan. Sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), nabibigyan ng oportunidad ang mga nawalan ng trabaho o nangangailangan ng dagdag na kita upang mabuhay.
Katuwang ninyo ang Lokal na Pamahalaan sa inyong hangarin na magkaroon ng maayos at mapayapang buhay.
Muli, mula sa aming puso, maraming salamat po!