
TULONG- PANGKABUHAYAN HATID NG MCCT
August 23, 2023 | Municipal Covered Court— Ngayong araw na ito, mayroon tayong 35 beneficiaries ng Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) ang tumanggap ng Php 10,000 bawat isa bilang puhunan para sa kanilang proyektong pangkabuhayan. Napili ng ating mga kababayan ang proyektong Community-Based Free Range Chicken Egg Production.
Ang MCCT ay isang programa ng ating pamahalaan na layuning tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan na higit na apektado ng kahirapan. Ang mga nakakatanggap nito ay binubuo ng mga pamilya na nabibilang sa pinakamahihirap ngunit may sipag, tyaga at determinasyon para umangat sa buhay.
Ang pay-out na Php 10,000 ay kinikilala nating magiging malaking tulong para sa mga kababayan upang sila ay makapagsimula ng kanilang sariling negosyo – ito’y magagamit nila para sa pagbili ng kanilang mga kailangang manok na pang-free range at iba pang mga gamit na pang-agrikultura.
Nagpapasalamat kami sa ating mga mamamayan para sa kanilang patuloy na suporta at pagtitiwala. Patuloy tayong magsisikap para sa isang mas maunlad at masagana na bayan ng Capas. Sa patnubay ng ating Panginoon, walang pagsubok na hindi natin malalagpasan.
Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat!