Skip to main content

Tarlac Nakapagtala ng Bagong National Record sa HPV Vaccination

Capas, Tarlac — Ngayong araw, Hunyo 5, 2024, sa New Clark City Athletic Stadium, matagumpay na naisagawa ang pinakamalawak na HPV vaccination program sa kasaysayan ng Tarlac. Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan ng Tarlac, at sa pangunguna ni Gobernador Susan Yap, Vice Mayor Alex Espinosa, at Punong Bayan ng Capas, Mayor Roseller “Boots” Rodriguez, nakapagtala tayo ng bagong pambansang rekord na 2,213 kababaihang nabakunahan laban sa HPV.
Ang programang ito ay bahagi ng Tarlac SHIELD (Strengthening HPV Immunization Towards Elimination through Leadership Development) Laban sa Cervical Cancer. Kabilang sa mga nagsikap para maging matagumpay ang programa ay sina Capas Municipal Health Officer Dra. Franchette Reyes at ang ating mga masisipag na health workers. Layunin ng programang ito na protektahan ang ating mga kabataan laban sa cervical cancer at iba pang mga kanser na dulot ng HPV.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa programang ito. Ang inyong pakikiisa ay malaking tulong sa ating laban kontra cervical cancer. Tunay na ang #CapasParaSaLahat

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac