Skip to main content

Tarlac Forum – Graduation Photos ng mga Katutubong Aeta

TIGNAN: Graduation photos ng mga katutubong Aetang nagsipagtapos ng elementarya sa Capas, Tarlac, nagpataba ng puso ng madla!
Ibinahagi ni Deewyne Joachim Bonifacio Castro ng DJ Visuals ang mga larawan ng mga katutubong Aetang nagsipagtapos ng elementarya sa Manabayukan Elementary School, Capas, Tarlac.
Bukod sa mga graduation photos na naka-toga, kinuhanan din nila ng litrato ang mga bata na hawak-hawak ang mga plakang nagsasaad ng kanilang pinapangarap na trabaho.
“Giving IP students graduation photoshoots has helped me to motivate them to continue their studies despite their difficulties. They all have ambitious dreams and professional aspirations, and I am one of those that believe in them,” sulat ni Castro sa isang Facebook post.
📷 Taga Tarlac Ka Kung/Facebook

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac