
Situational Report May 31, 2023
Iniulat ng NDRRMC sa pinakabagong situational report ngayong araw na umabot na sa 3,821 na pamilya o 14,908 na indibidwal ang apektado ng pananalasa ng Bagyong #BettyPH.
Mayroon pang 216 na pamilya ang nananatili pa sa mga evacuation center. Aabot naman sa halos dalawang milyong piso na halaga ng food at non-food items, at cash assitance ang naibigay na ng ahensya sa mga apektado ng bagyo sa anim na rehiyon.