Skip to main content

SIMULAN NA ANG NEGOSYO

SIMULAN NA ANG NEGOSYO!
July 14, 2023 | Municipal Covered Court— Kaugnay ng ginanap na ENTREPRENEURIAL DEVELOPMENT TRAINING (EDT) noong Mayo 2023, kamakailan ay ginanap ang Awarding Ceremony para sa mga piling DOLE-Assisted Livelihood Projects sa ating bayan.
Bawat isang grupo ay nakatanggap ng tulong na mga kagamitan, produkto at materyales na nagkakahalagang Php 400,000. 00. upang maisulong ang napagkaisahang negosyo ng kanilang grupo.
Congratulations sa ating mga beneficiaries ng DOLE Integrated Livelihood Program- AETANG HUÑGEY INDIGENOUS PEOPLE AGRICULTURE COOPERATIVE, TINY BUBBLES ASSOCIATION, PURE PATLING ZUMBANATICS ASSOCIATION, CAPAS ACTIVE PARENTS ASSOCIATION & KALANGITAN ANGELS ASSOCIATION.
Kayo po ay nagpakita ng husay at pagsisikap upang magawaran ng ganito kagandang tulong mula sa pamahalaan. Tayo po ay nakatitiyak na magagamit ninyo ang natanggap na kapital upang mapalago ang inyong mga negosyo at magbigay ng magandang kinabukasan sa inyong pamilya.
Muli, binabati ko po kayo sa inyong natatanggap na tulong at nakikiisa ako sa inyong tagumpay. Dalangin namin ang magandang kinabukasan para sa inyo at sa inyong mga pamilya at maging huwaran sana kayo sa inyong mga komunidad.
Maraming salamat po!
#BatasAtReporma #MayorBootsRodriguez #Capas #SaGobyernongTapatCapasAngAangat #LGUCapas #TatakCapas #DOLE #doleintegratedlivelihoodprogram
Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac