Skip to main content

“SIGNS” OF GOOD LOCAL GOVERNANCE

June 6, 2024 | Municipal AVR—- Muli na namang sumabak ang Lokal na Pamahalaan ng Capas sa 2024 SGLG Regional Validation upang patunayan ang ating kahusayan at kasanayan sa pamumuno ng ating bayan. Ang Seal of Good Local Governance (SGLG) ay hindi lamang simbolo ng tagumpay kundi patunay rin ng mahusay na pagpapatakbo ng isang LGU. Layunin ng SGLG na parangalan ang mga lokal na pamahalaan na nagpapakita ng epektibong pamamahala at serbisyong publiko.
Matapos mahirang bilang 2023 SGLG National Awardee, nakita ko na higit na determinado ang ating LGU na muling maipagmalaki ang patuloy na pagtataguyod ng pamahalaang ang pangunahing prinsipyo ay ang mga sumusunod:
. Ang ating bayan ay naninindigan sa pagpapatupad ng mga makatarungan at makabuluhang mga batas na nagsusulong ng kaayusan at kaunlaran.
. Bilang isang lokal na pamahalaan, tinitiyak natin na ang mga desisyon at hakbangin ay nagmumula sa maingat na pagsusuri at balanseng pagpapasya. Ang pagiging responsable sa paggamit ng pondo ng bayan at sa pagbuo ng mga programa ay kritikal upang matiyak ang maayos at epektibong serbisyo sa publiko.
. Ito ang tunay na sukatan ng ating tagumpay. Ang bawat proyekto, programa, at serbisyong inilulunsad ay dapat nararamdaman at napapakinabangan ng mga mamamayan. Layunin natin na ang bawat Capaseño ay makaranas ng pagbabago at pag-unlad sa kanilang araw-araw na buhay.
Maraming salamat sa ating mga Regional Assessors sa kanilang masusing pagsusuri at pagbibigay sa ating ng pagkakataon upang higit pang mapatunayan ang ating layunin na paghusayin ang paglilingkod para sa kapakanan ng bawat Capaseño.
Nais ko ring iparating ang aking pasasalamat sa lahat ng mga opisyal at kawani ng ating lokal na pamahalaan na walang sawang naglilingkod para sa ikabubuti ng ating bayan.
Tiwala tayo na pasado tayo sa taong ito.
Kayo po, ano sa tingin nyo?
#BatasAtReporma #MayorBootsRodriguez #Capas #SaGobyernongTapatCapasAngAangat #LGUCapas #TatakCapas #SGLG2024

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac