Skip to main content

Sewage And Septage Management Program

PAUNAWA
Ang pagpataw ng karagdagang singil sa ating water bill ay alinsunod sa mandato ng National Government at ng Department of Natural Resources Office (DENR) na lahat ng bayan at lungsod sa Pilipinas ay dapat mag karoon ng “Sewage and Septage Management Program”
Ang paglilinis ng septage at sewage ay mahalaga para mapanatili ang kalinisan ng tubig at maiwasan ang posibleng epekto nito sa kalusugan ng mamamayan at sa kalikasan.
Ang dagdag na singil sa tubig na tinatawag na “Sewerage and Septage Fee” ay gagamitin sa programa ng Septage Management at iba pang programang makakatulong sa pag papanatili ng kalinisan sa ating bayan.
Hindi lamang tayo, ang ating mga karatig-bayan- Concepcion, Bamban at La Paz ay ipinatupad na ito noong nakaraang taon pa. Ang Tarlac City, Moncada, Victoria at halos buong bayan sa Probinsiya ng Tarlac maging sa ibang mga Probinsiya ay nagpapatupad na rin nito.
Hindi namin layunin ang magpataw ng karagdagang singil subalit, tali po aking mga kamay, hindi po natin ito maiiwasan. Isipin na lamang po natin na ito ay para mabigyan kayo ng mas mainam na kapakanang pangkalusugan at para higit pang mapanatili ang kalinisan ng ating water sources.
Umaasa po kami sa inyong malawak na pang-unawa.
Maraming salamat po.
Para sa mga karagdagang impormasyon, maaring magtungo sa opisina ng MENRO sa Munisipyo.
 
Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac