
PROUD CAPASEÑO IN CHINA
November 19, 2023 | Guilin, China— Isang malaking karangalan para sa inyong lingkod at sa ating bayan ang mapili bilang isa sa 13 na Mayors sa buong bansa upang maging kinatawan sa 2023 China- Asean Mayors’ Forum na kasalukuyang ginaganap sa Guilin, China. Walang inilabas na pondo ating lokal na pamahalaan para sa forum na ito dahil sagot itong lahat ng China Mayors Association.
Hindi natin sasayangin ang pagkakataon na ito upang makabuo ng ugnayan sa mga iba’t-ibang bansa sa Asia upang lumawak ang ating kaalaman at karanasan sa larangan ng URBAN DEVELOPMENT, HOUSING INFRASTRUCTURE ,TOURISM and TRADE COOPERATION
Ang pamamayagpag ng ating bayan sa international communities ay isang kahayagan na totoong may ibubuga ang bayan ng Capas kapag ang pag-uusapan ay ganda ng turismo, yaman ng kasaysayan at kultura at mabillis na pag-asenso ng komersyo.
Sa pamamagitan ng pagtitipon na ito, hangad ko na makalikha tayo ng makabuluhang partnership sa mga investors mula sa ibang bansa upang lalong makapaghatid ng progreso sa ating bayan dulot ng mga bagong trabaho at iba pang economic opportunies para sa lahat.
Maraming salamat po China-ASEAN Mayors Forum!
Para sa atin ito, Capaseños!\