Skip to main content

Pormal na Seremonya sa Watawat isinagawa ng LGU Capas

Sa unang Lunes ng buwan, isinagawa ng mga kawani ng Local Government Unit ang pormal na seremonya sa watawat sa munisipyo. Bilang inyong Lingkod-Bayan, ako ay labis na nagpapasalamat sa patuloy na dedikasyon at serbisyo ng bawat isa sa inyo.
Bukod sa pagbati natin sa bagong simula ng linggo, nauunawaan natin na ang buwan ng Marso ay may espesyal na kahulugan. Ito rin ay kilala bilang Women’s Month, Fire Prevention Month, at ng selebrasyon ng Mahal na Araw. Ito ay mga pagkakataon upang magbigay-pugay sa ating mga kababaihan, sa kaligtasan laban sa sunog, at sa ating pananampalataya. Sa mga empleyado at mamamayan ng ating bayan, hinihikayat ko kayong makilahok sa mga programa at aktibidad na ipagdiriwang ngayong buwan.
Nawa’y magkaroon tayo ng isang magandang buwan ng Marso na puno ng tagumpay at pagpapala para sa ating lahat. Padayon ang serbisyo, at magandang buwan po sa inyong lahat!

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac