
Pinasyalan ni Mayor Reycat ang mga Capaseños na Naninirahan sa Titanic Building
Pagkatapos ng maghapong pag-oopisina at pagtanggap ng iba’t ibang bisita sa kanyang tanggapan ay malugod at magiliw na pinasyalan ni Mayor Reycat ang mga Capaseños na naninirahan sa Titanic building at mga nagtayo ng tirahan sa tabi ng bakod ng Cristo Rey Central School at kanyang iniabot ang tulong pinansyal para sa agarang paglipat sa lupang inilaan at hinanapan ng paraan ng butihing Mayor.
Halos lahat ng dumalo at nakatanggap ng tulong at sariling lupa ay umiyak sa sobrang tuwa sa di nila inasahang sorpresa ni Mayor Reycat sa 20 pamilya na masayang masaya at magkakaroon na sila ng lupa at tahanan na matatawag nilang pagaari na nila, dahil sa haba ng panahon na sila ay nakatira sa lupang di kanila at mga barong barong lamang. Ito ang mga katagang lalong nagpatulo ng luha at umantig sa puso ng mga natulungan:
“Bilang ama ng bayan at dumaan sa hirap na katulad ninyo, kailanman ay di ko ipagkakait ang bigyan kayo ng pagkakataong matikmang tumira sa sariling lupa at bahay.”