Skip to main content

Personal Scholar

Matagumpay na naipamahagi ang scholarship allowance na nagkakahalaga ng P6,000.00 bawat semester sa 1,100 qualified na mag-aaral sa kolehiyo mula sa ibat- ibang barangay sa bayan ng Capas.
Gusto man po ng ating munisipyo na maisali ang lahat ng mga mag-aaral na maabutan ng tulong, ikinalulungkot po namin na dahil sa limitadong pondo ng munisipyo, inuna na po muna namin ang mga mag-aaral na pinaka- nangangailangan ng tulong.
Kasabay nito, personal din pong iniabot ng ating Mayor Boots Rodriguez ang kanyang tulong pinansiyal na nagkakahalaga rin ng P6,000.00 sa 82 pang mag-aaral na personal niyang tinutulungan mula sa kanyang sariling bulsa.
Umasa po kayo na ang inyong lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Boots Rodriguez ay patuloy ang pagsisikap na makahanap ng paraan para mas marami pa sa ating mga mag-aaral ang mabigyan ng tulong para sa kanilang pag-aaral.
MARAMING SALAMAT PO.
Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac