Skip to main content

Pamamahagi ng tulong pinansiyal para sa mga rice farmers!

Yan ang mga katagang alam na alam natin. Kaya’t sa araw na ito ang mga masisipag naman nating mga Capaseñio Farmers ang bida!

🌾💰 Pamamahagi ng tulong pinansiyal para sa mga rice farmers mula sa RCEF (Rice Competitiveness Enhancement Fund) mula sa Department of Agriculture. Ang unang batch ng mga benepisyaryo ay 2,032 at nakatanggap ay mga magsasakang may dalawang ektarya pababa. Naghihintay pa tayo ng hindi bababa sa 600 na magsasaka na ang mga ATM ay hindi pa napopondohan. 🌱💪
🤝💳 At ngayong hapon naman po ay tinanggap natin kasama ng ating Vice Mayor Alex C. Espinosa at iba pang delegado ng LGU ang ₱3,000,000.00 donasyon mula sa Clark Development Corporation para sa Procurement ng MOBILE KITCHEN.

Taos puso pong nagpapasalamat ang bayan ng Capas sa kinatawan ng CDC headed by Atty. Agnes Devanadera (President and CEO) sa handog ninyong regalo. Ang malaking tulong na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga programang pangkalusugan ng mga Capaseñio. 🙏🏽🍲

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac