Skip to main content

Pagtutulungan para sa Kaunlaran: KALAHI _CIDSS KKB Program, Inilunsad sa Capas, Tarlac

June 10, 2024 | Municipal AVR— Matagumpay na idinaos sa Bayan ng Capas, sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang Program Launching and Municipal Orientation ng KALAHI-CIDSS KKB (Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay ) Program.
Ang KALAHI-CIDSS KKB program ay naglalayong mapalakas ang lokal na pamahalaan at mga mamamayan sa pamamagitan ng participatory development at capacity-building. Ibinahagi ng KC NCDDP KKB RPMO Team ang komprehensibong pagtalakay sa KALAHI-CIDSS KKB project, na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang mga komunidad na magpatupad ng mga proyektong pangkaunlaran.
Layunin ng aktibidad na ito ang lalong maipaliwanag at makapagbigay ng dagdag na kaalaman sa proseso ng programa. Kasama na din dito ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing bilang patunay ng ating buong-pusong pagtanggap sa programa KALAHI-CIDSS KKB. Tiwala tayo sa mga potensyal nitong benepisyo sa bayan lalo na’t ang programa ay magbibigay ng suporta sa pagpapaunlad ng imprastruktura, kalusugan, edukasyon, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.
#BatasAtReporma #MayorBootsRodriguez #Capas #SaGobyernongTapatCapasAngAangat #LGUCapas #TatakCapas #dswda #KalahiCidss #benepisyongramdam #angatcapas

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac