Skip to main content

PAALALA: HPV VACCINATION EVENT BUKAS SA NCC ATHLETIC STADIUM

Capas, Tarlac – Hunyo 4, 2024 – Isang mahalagang paalala mula sa Office of the Municipal Mayor para sa nalalapit na HPV vaccination event bukas, Hunyo 5, 2024, mula 7:00 AM hanggang 11:00 AM sa New Clark City Athletic Stadium.
Ayon kay Mayor Roseller “Boots” Rodriguez, layunin ng programang ito na maprotektahan ang ating mga kabataang babae laban sa cervical cancer. Ang nasabing bakuna ay libre para sa lahat ng batang babae na edad 9 hanggang 14.
Mga Paalala:
1. Registration: 6:30 AM – 7:30 AM sa NCC sections C&D para sa Capas at D&E para sa ibang munisipyo. Magdala ng sariling ballpen.
2. Guardian Limit: Isang parent/guardian lang po ang allowed per vaccinee. Iwasan ang pagdala ng ibang bata.
3. Personal Essentials: Magdala ng pamaypay, tubig, at light snacks. May libreng meals at bottled water pagkatapos ng bakuna.
4. Dress Code: Magsuot ng puting shirt/blouse ang mga magulang at mga batang mababakunahan.
5. Barangay Shuttle: Meeting place ng mga sasakay sa barangay service ay sa barangay hall. Makipag-ugnayan sa inyong health center o barangay.
6. Parking: Maaga pumunta sa NCC para makasecure ng parking. Magdala ng ID para sa mabilisang registration.
7. Footwear: Magsuot ng flat shoes o rubber shoes. Bawal ang naka-heels.
8. Safety Protocols: Iwasan ang pagtayo-tayo at paglalakad sa venue para sa kaayusan at seguridad ng lahat.
9. Freebies: Libre po ang bakuna, may souvenirs at freebies pagkatapos. Huwag makipagtransaksyon sa mga manloloko.
Dagdag na Serbisyo:
Nakipag-ugnayan din ang Pamahalaang Bayan ng Capas kay ZenMov Mobility Inc. upang magbigay ng libreng shuttle service bukas. Narito ang larawan ng e-bus na gagamitin.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa inyong barangay o health center. Maging handa at magkita-kita tayo bukas sa NCC! Ang #CapasParaSaLahat

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac