
Official Statement of Capas LGU
Tunay na ikinalungkot at ikinabahala po ng Bayan ng Capas ang hindi kanais-nais na kaganapan na kumakalat sa social media kung saan sangkot ang isang staff ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa isang pangyayari na naganap noong gabi ng Setyembre 10, 2023. Batid po namin na hindi po katanggap-tanggap ang naging asal at pananalita ng nasabing staff ng MDRRMO sa nasabing pangyayari.
Bunsod nito, naglabas na po ng memorandum (Memorandum No. 48, Series of 2023) ang Tanggapan ng Punong Bayan ng Capas sa sangkot na staff ng MDRRMO. Bilang bahagi po ng tinatawag na due process, ang nasabing staff ng MDRRMO ay pinagpapaliwanag sa kanyang naging asal sa nasabing insidente sa loob ng 72 oras na magiging basehan ng anumang administrative o disciplinary action na dapat niyang harapin.
Tinitiyak po ng pamahalaang bayan ng Capas na ang naging asal at di kanais-nais na pakikitungo ng sangkot na staff ng MDRRMO sa naturang insidente ay hindi naglalarawan ng kabuuang kilos at asal ng ibang kawani ng ating MDRRMO. Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pagtitiwala na patuloy naming pag-aaralan at pagtutuunan ng pansin ang mga ganitong pagkukulang upang maging mas mabisa at responsableng lingkod-bayan ang mga kawani ng pamahalaang bayan ng Capas.