
Nasa Tropical Storm Category na ang Bagyong Egay Ayon sa Ulat ng DOST-PAGASA, 11:00 AM Ngayong Sabado, ika-22 ng Hulyo
Maaari nitong abutin ang Super Typhoon category sa Martes o Miyerkules habang nasa ibabaw ng Philippine Sea, sa silangang bahagi ng Extreme Northern Luzon.
Bagama’t wala pang lalawigang nakapailalim sa anumang wind signal, pinag-iingat ng ahensya ang mga apektadong lugar sa malakas na hangin at posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng ulang dala ng Bagyong Egay at ng pinalala nitong Southwest Monsoon. Ang mga manlalayag ay pinapayuhan ding maghanda para sa moderate to rough seas sa eastern seaboard ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.