
MGA KINAKAILANGAN SA PAGKUHA NG SENIOR CITIZEN ID PARA SA MGA RESIDENTE NG CAPAS, TARLAC
Narito ang mga kailangang dokumento ukol sa pagkuha ng senior citizen ID
Para sa bagong aplikante:
1. 1×1 ID picture (2 pcs.)
2. Birth Certificate o Valid ID na nakatala ang kaarawan (original + 1 photocopy)
3. Certificate of Residency mula sa Barangay
Para sa replacement ng ID
1. 1×1 ID picture (1 pc.)
2. Affidavit of Loss (para sa nawalang ID) o Affidavit of Discrepancy (para sa may maling tala sa ID)
Para sa transfer of residency o paglipat ng tirahan
1. 1×1 ID picture (2 pcs.)
2. Birth Certificate o Valid ID na nakatala ang kaarawan (original + 1 photocopy)
3. Certificate of Residency mula sa nilipatang Barangay
Ang mga nasabing dokumento ay maaring i-sumite sa Office of the Senior Citizens Affair (OSCA) na matatagpuan sa ating munisipyo sa Tourism Building. Para sa iba pang impormasyon, maari tumawag sa OSCA sa numerong (045) 925-0154 Local 301
RA 9994 o ang “Expanded Senior Citizens Act” ay nagpapatupad ng mga benepisyo para sa ating mga senior citizen (edad 60 pataas). Ito ay ang tugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga patakaran at serbisyo para sa mas maginhawang pamumuhay ng mga nakatatanda.