Skip to main content

Matagumpay na Medical Mission: Pag-asa at Kalusugan para sa Lahat

Isang natatanging araw ng pagdadamayan at pagsisilbi ng serbisyong pangkalusugan ang matagumpay na namang naisakatuparan. Pag-asa at kalusugan para sa mga residente ng Brgy. Cub-Cub at Cut-Cut II ang inihatid ng lokal na pamahalaan kaaagapay ang CAPAS – Municipal Health Office Naghatid ito ng mga serbisyong medikal at pangkalusugan sa mga nangangailangan nating kababayan at nag-ambag sa pagpapalaganap ng kalusugang pangkomunidad.
Ang ika-walong BOOTS Friday ay isinagawa noong ika-11 ng Agosto 2023 sa Gabaldon Elementary School. Nagtungo ang grupo ng mga bihasang doktor, nars, dentista, midwives, iba pang mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan upang magbigay ng libreng konsultasyon, pagsusuri, at pamamahagi ng gamot. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at dedikasyon, ang kanilang layunin ay mabigyan ng agarang at abot-kayang solusyon ang mga pangunahing pangangailangan sa kalusugan ng mga komunidad.
Umabot sa mahigit 860 katao ang nakinabang sa BOOTS Friday, na naglalaman ng mahahalagang serbisyong medikal tulad ng blood donation, blood testing, pagsusuri ng mata, dental o libreng bunot ng ngipin, libreng tuli, at check-up ng mga seniors atbp.
Sa pamamagitan ng suporta ng lokal na pamahalaan ng Capas sa pangunguna ng ating butihing Mayor Roseller “Boots” Rodriguez, Capas MHO at ng mga pribadong organisasyon, naging matagumpay muli ang pagpapatupad ng BOOTS Friday sa mga nasabing 2 barangay.
💙 Blood Letting/Typing/Screening
– 150
💙 Optical/Ophthalmology Services
– 175
💙 Oral Health Program
– 53
💙 Tuli / Circumcision
– 243
💙 Senior Citizens Check Up
– 145
💙 Other Services Rendered
Non-senior Consultation – 21
Random Blood Sugar Testing -63
Chest X-ray- 44
Free Pneumo Vaccine – 32
💙 Non-Medical Social Services
Birth Registration
National ID Registration

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac