
Market Master Tutulong sa DA at DTI Sa Pagpapatupad ng Mandated Price Ceiling sa Bigas
LGU CAPAS, market master tutulong sa DA at DTI sa pagpapatupad ng mandated price ceiling sa bigas
Ipinatutupad ng LGU CAPAS sa pamumuno ni Mayor BOOTS Rodriguez ang Executive Order No. 39 na inisyu ng Malacañang o ang Pagpapataw ng Mandated Price Ceilings para sa REGULAR MILLED RICE na P41 kada kilo habang ang mandated price cap para sa WELL-MILLED RICE ay P45 kada kilo simula ngayong araw, Setyembre 5, sa lahat ng pampubliko at pribadong pamilihan at mga supermarket sa bayan. Ginagarantiyahan ang pagiging patas at proteksyon para sa lahat ng Pamilyang Capaseno, kapwa vendor at consumer.
Nilagdaan noong Agosto 31 at inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng EO No. 39 ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng price ceiling sa bigas sa bansa.
Makikita sa mga larawan na nag-inspeksyon ang DTI Tarlac at Office of the Market Supervisor sa Capas Public Market ngayong araw, Setyembre 5.
KUDOS sa mga market vendors na sumunod sa rice price cap na itinakda ng EO 39.