Skip to main content

Maraming Salamat, Kabayan Partylist

Talaga namang kahanga-hanga ang inyong pagtulong sa Lokal na Pamahalaan ng Capas sa pamamagitan ng pagbibigay ng medical assistance sa ating mga kababayan. Sa pangunguna nina Councilor Calvin Sardia at Congressman Atty. Ron Salo , patuloy na tumutugon ang KABAYAN PARTYLIST sa mga pangangailangan nating mga Capasenos.
Nagpapasalamat din kami sa inyong suporta sa CAPAS LINGAP CENTER, kung saan ay marami na ang nabigyan ng ginhawa dahil sa mga libreng serbisyo, diskwento, at referrals na ibinibigay ng Kabayan Partylist. Sa tulong ninyo, mas marami pa tayong matutulungan, lalo na sa mga panahon ng krisis pangkalusugan.
Umaasa kami na ipagpapatuloy natin ang mabuting samahan at pagtutulungan upang mas lalo pang mapaunlad ang serbisyong medikal para sa ating mga kababayan. Muli, maraming salamat KABAYAN PARTYLIST!
#BatasAtReporma #SaGobyernongTapatCapasAngAangat #TatakCapas #LGUCapas #KABAYANPartylist

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac