Skip to main content

Local Government Unit Awardee sa 2023 Anti-Drug Abuse Council Performance Awards

Masaya ko pong ibinabalita na ang ating bayan ay tinanghal na naman na isang Local Government Unit Awardee sa 2023 Anti-Drug Abuse Council Performance Awards. Ang awarding ceremony ay naganap sa Crowne Plaza Manila Galleria sa Ortigas Avenue, Quezon City ngayong ika-22 ng Nobyembre, 2023. Ito ay tagumpay ng ating samahan at dedikasyon laban sa iligal na droga.
Pasasalamat sa ating mga LGU officials, kapulisan, DILG, pribadong sektor, sibil society groups, at mga ahensiyang pambansa na nagbigay suporta. Bagamat marami pang kailangang gawin, taos-pusong pinasasalamatan ko ang bawat isa sa inyo sa inyong mga pagsisikap. Hinihikayat ko ang ating komunidad na patuloy na magkaisa para sa mas ligtas na kinabukasan.
Maraming salamat sa inyong suporta at pagmamahal para sa Capas!

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac