
Libreng Rehistro ng Birth Certificate
LIBRENG REHISTRO ng Birth Certificate sa ilalim ng Philsys Birth Registration Assistance Project (PBRAP)
Batch 1 – Cristo Rey, Cub-cub, Cut Cut 1st, Dolores, Estrada, Manlapig, O’Donnell, Sto. Domingo II, Talaga
ANUNSYO
Sa mga nakatalang pangalan, maaring pumunta po kayo ng personal sa Tanggapan ng Talaang Sibil (Office of the Municipal Civil Registrar), Window 4, Ground Floor, Municipal Hall para ma-irehistro ang inyong mga Birth Certificate.
Dalhin lamang po ang mga sumusunod:
📃Baptismal Certificate/ School Record
📃Dalawang testigo na hindi kamag-anak ng magpaparehistro (para sa Affidavit of Two Disinterested Witnesses; ililibre na po namin ang notaryo nito)
Sa mga indibidwal na isinalang na hindi kasal ang mga magulang, kakailanganin din po ang mga sumusunod:
📃Personal na pagpunta ng tatay
📃Personal na pagpunta ng nanay (kung menor de edad ang magpaparehistro)
📃Mga identification cards ng nanay at tatay
LIBRE po ang rehistro at sagot na ng PSA ang Negative Certirication of Birth ninyo, basta dalhin lamang ninyo ang mga nakasaad na dokumento.
Batch 1 lamang po ito. Sa mga nagpalista sa PSA PBRAP team na wala pa sa talaan, abangan po ang mga susunod na anunsyo sa opisyal Facebook page ng Office of the Municipal Civil Registrar.
————————————-
Sa mga gustong magpalista para sa libreng Negative Certification of Birth sa ilalim ng PBRAP, maaari po kayong tumungo sa aming tanggapan.
Sa mga mayroon na pong hawak na Negative Certification of Birth at hindi pa naisali sa PBRAP, maaari na rin po kayo mag-avail ng Delayed Registration sa aming tanggapan, dalhin lamang po ang mga parehong requirements na nakasaad sa taas.