
LET THE NUMBERS SPEAK
Sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo, nais kong ibahagi ang kahanga-hangang tagumpay ng ating BOOTS FRIDAY program . Narito ang kabuuang bilang ng mga naging pasyente ng ating BOOTS services. (Meron tayong 881 na bagong tuli sa ating bayan. 😂)
Sa loob ng apat na Biyernes, nagsilbi tayo sa pitong barangay sa bayan ng Capas. Tayo ay nakapagsilbi sa higit tatlong libong kababayan natin, bukod pa rito ang mga naipamahagi nating relief packages, pneumonia vaccines at iba pang social services gaya ng ID application and registration for Senior Citizen, Solo Parent at PWD pati na Birth Registration.
Hindi pa dito magtatapos ang ating pagsisikap, dahil mas marami pang tulong ang ating maiaabot sa mga susunod na Biyernes. Magpapatuloy ang pagbibigay natin ng serbisyong BOOTS. Mas darami pa ang mga mabubunutan ng sirang ngipin, mabibigyan ng salamin sa mata, matutuli at iba pa.
Lubos ang aming pasasalamat, pangunahin na sa mga healthcare workers ng CAPAS – Municipal Health Office , sa lahat ng sponsors, volunteers, organizers, at sa mga naglaan ng oras at lakas upang maging matagumpay ang programang ito.
TO GOD BE ALL THE GLORY! ☝️
Mabuhay kayong lahat!
#BatasAtReporma #MayorBootsRodriguez #Capas #SaGobyernongTapatCapasAngAangat #LGUCapas #TatakCapas #bootsfriday #medicalcaravan #FreeMedical #FreeMedicalCaravan #BootsFriday