Skip to main content

Kawani Ng Ospital Capas – Municipal Health Office, MDRRMC, at MSWD ay nag asikaso ng mga kababayan

Kaugnay ng napabalitang Food Poisoning sa Brgy. Maruglo nitong hapon, agaran ang pagtugon ng LGU sa ating mga kababayan sa pangunguna ni Mayor Roseller “Boots” Rodriguez at Vice Mayor Alex C. Espinosa at mga Sangguniang Bayan.
Ang mga kawani ng Ospital ning Capas, CAPAS – Municipal Health Office, MDRRMC, at MSWD ay tulung-tulong sa pag-asikaso sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.
Ayon sa ating mga nakausap sa Maruglo Elementary School, nagkaroon ng outreach program at feeding activity ang isang NGO sa ating mga kapatid na katutubo sa Brgy. Maruglo. Ilang oras pagkatapos ng aktibidad ay nagsimulang makaramdam ng pagsusuka at pagsakit ng tiyan ang mga ito. Kaya’t dali-daling pinadala ng mga opisyales ng barangay ang mga nagkasintomas sa ospital upang maipakonsulta sa ating mga doktor.
Sa kasalukuyan ay merong 60 na naka-admit sa mga ospital, at 72 ang dinala sa ating evacuation center (Teacher’s Hall) upang maobserbahan pa magdamag. Atin silang babantayan rito upang matiyak ang kanilang kaligtasan. Minabuti ng lokal na pamahalaaan na huwag muna silang pauwiin sakaling magkaroon man ng sintomas ay merong mga doktor at nurse na tutugon sa kanila nararamdaman.
Pinahanda rin ni mayor sa MSWD ang kanilang kakainin at mga hygiene kits habang atin silang inoobserbahan dito sa evacuation center.
Patuloy natin silang babantayan kasama din ang BFP at PNP hanggang makauwi silang ligtas sa kanilang mga tahanan. Ipanalangin po natin ang ating mga kababayan sa kanilang agarang paggaling.
—-Capas Municipal Health Office—-
Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac