
Kasalang Sitio | Kalangitan, Cutcut II
09 November 2023
Sa pangunguna ng ating butihing Mayor, Atty. Roseller “Boots” Rodriguez, ikinasal ang 26 na nagmamahalang pares sa ginanap na Kasalang Sitio sa Kalangitan.
Libreng ikinasal ang mga nasabing pares at sagot na rin ng munisipyo ang kanilang libreng kasuotan, bouquet ng bulaklak, singsing, larawan, pagkain, at pabaong bigas.
Ito na po ang ika-apat na Kasalang Bayan/Sitio sa taong ito kung saan ang kabuuang bilang ng mga ikinasal ng libre ay umabot na ng 150 na pares.
Parte po ito ng programa ng ating minamahal na Mayor Boots na ilapit at mas paigtingin pa ang serbisyo ng lokal na pamahalaan lalu na sa ating mga kababayang higit na nangangailangan.
Ang opisina rin po namin ay nagpapasalamat sa lahat ng sumoporta sa proyektong ito kabilang ang Opisina ng Sangguniang Bayan ng Capas, Philippine Statistics Authority, Tarlac State University School of Law, at Marc Andrei Marcos Legal Aid Center.