Skip to main content

Ipinagdiwang ng Bayan ng Capas ang ika-127 Taong Paggunita sa Araw ni Rizal

LGU Capas – Ipinagdiwang ng Bayan ng Capas ang ika-127 Taong Paggunita sa Araw ni Rizal na may temang, “Rizal: Pundasyon ng Kahapon, Isinasabuhay Ngayon.” Ito ay pinangunahan ng ating Punong Bayan Boots Rodriguez, kasama ang Ikalawang Punong Bayan Alex Espinosa, mga Kagawad ng Bayan, Alejandro Dueñas, Ariel Batican at Nestor Sicat.
Nasa pagtitipon din ang Chairperson ng Municipal History, Arts, Culture and Tourism Council, Liezl M. Sanchez na siya ring nagsilbing tagapagpadaloy ng palatuntunan.
Ngayong 2023 sa selbrasyon ng Rizal Day, kasama din natin ang ating mga kapulisan sa pangunguna ni PLTCOL Librado Manarang Jr., at nagsilbing kanyang kinatawan si PCPTI Mark Lester Bustillos, at mga kawani mula sa Bureau of Fire Protection sa pangunguna ni Senior Fire Officer 3 Joseph Lopez.
Malugod na pakikiisa ang ibinigay din ng mga kawani ng POSMO at MDRRMC at Tourism Office ng LGU Capas na pinamumunuan ni G. Paul Alata.
Sa mensahe ng ating Mahal na Punong Bayan, hindi kailangang tayo ay mabaril sa Bagumbayan kagaya ni Rizal o di kaya’y mamatay sa Tirad Pass at Nueva Ecija na kagaya nina Gregorio del Pilar at General Luna upang maging bayani. Sa mensahe ng ating Punong Bayan, tayo ay maaaring maging bayani sa ating sariling paraan at maging bayani sa tuwina habang ating inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sarili.
#2023RizalDay
#LGUCapas

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac