Skip to main content

INCIDENT COMMAND SYSTEM EXECUTIVE COURSE

Happy Friday Capasenos!
Nais ko pong iparating sa inyong lahat na ako ay nagkaruon ng pribilehiyo na dumalo sa INCIDENT COMMAND SYSTEM EXECUTIVE COURSE ngayong araw, ika-1 ng Disyembre, 2023. Sa pamamagitan ng kurso na ito, mas natutunan ko kung paano tayo mas magiging handa sa anumang kalamidad o aksidente na maaaring dumating sa ating bayan.
Ang aming pag-attend sa kurso ay naglalayong mapabuti ang aming kakayahan sa pamamahala ng mga insidente at mapalakas ang ating sistema para sa kaligtasan ng bawat isa. Nais ko kayong inform na ito’y makakatulong nang malaki sa pagpapalakas ng ating kapasidad na rumesponde sa mga pangangailangan ng ating komunidad sa panahon ng krisis.
Patuloy tayong magtatrabaho upang mapanatili ang Capas na ligtas at maayos sa anumang oras 🙏🏻 🙏🏻

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac