
HULING B.O.O.T.S FRIDAY!
Layunin po ng ating programa na mahatiran po lahat ng tulong ang ating mga kababayan, kaya masaya ko pong ibinabalita na sa loob lamang ng tatlong buwan lahat po ng 20 Barangay sa bayan ng Capas ay nahatiran natin ng libreng serbisyong medical, tulad ng libreng check-up sa mata, dental health services, check-up, chest x-ray, pneumococcal vaccine at libreng Birth Registration at National ID Registration at marami pang iba.
Nais ko pong pasalamatan ang lahat ng mga tumulong at nagbigay ng panahon upang maisakatuparan natin ng matagumpay ang ating programa. Sa loob po ng tatlong buwan tayo ay nag sama sama, sa lahat ng panahon ay hindi nyo po kami iniwan, umulan man o umaraw kayo ay laging maaasahan, kaya para sa ating mga medikal workers at mga volunteers isang taos-pusong pasasalamat po para sa inyo!
Magtatapos man po ang ating programang boots Friday ngayon, tuloy-tuloy parin po ang pagbibigay namin sa inyo ng libreng serbisyong medical, kaya naman abangan po ninyo ang ating susunod na proyekto na layuning ipagpatuloy ang ating nasimulang libreng pangkalusugan para sa lahat!
Maraming salamat pong muli sa pakikisama nyo sa amin tuwing araw ng biyernes, Hanggang sa muli mga mahal kong Capaseño!
MARAMING SALAMAT PO!