Skip to main content

Happy Teacher’s Day

Matapos ang matagumpay na Teachers’ Night para sa mga guro mula sa mga pampublikong paaralan, syempre hindi po natin nakalimutan ang ating mga guro sa mga pampribadong paaralan.
Sa pagdiriwang ng Teachers’ Day, tayo po ay hindi nag-atubiling magbigay-pugay at pasasalamat sa mga minamahal nating guro mula sa mga pribadong paaralan dito sa ating mahal na bayan ng Capas. Kayo pong mga guro ang mga ilaw ng kaalaman, ang mga tagapagturo ng inspirasyon, at mga gabay ng kinabukasan ng ating mga kabataan. Dahil dito, tayo po ay nagtungo sa inyong mga paaralan upang magbahagi ng isang simpleng regalo at cake bilang simbolo ng aking malalim na pagpapahalaga sa inyong dedikasyon at sakripisyo.
Hindi lamang ang mga gurong pampubliko ang nagbibigay-buhay sa edukasyon; ang mga guro mula sa mga pribadong paaralan ay nag-aambag din ng kanilang husay at pananampalataya para sa mas magandang kinabukasan ng ating mga kabataan. Sa inyong lahat na mga guro sa bayan ng Capas, maraming salamat po!
Ako po bilang ama ng bayan ng Capas ay nangangako na patuloy na susuportahan ang ating mga guro sa bawat hakbang ng kanilang propesyon. Ako po ay kasama ninyo sa inyong misyon na higit pang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa ating bayan.
Sa ating mga guro ng bayan ng Capas, itaas po natin ang bandila ng pagmamahal sa edukasyon! #EdukasyonParaSaKinabukasan #TeachersDay

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac