Skip to main content

Groundbreaking Ceremony para sa mga bagong silid-aralan dito sa KAWAYAN ELEMENTARY SCHOOL Sitio Kawayan, Brgy. Maruglo

Ang edukasyon ang isa sa mga programang pinagsusumikapan kong itaguyod para sa aking mga kababayang Capaseñio, dahil ito ang pundasyon ng isang maunlad na komunidad.

Nitong January 27, 2024, nagkaroon tayo ng groundbreaking ceremony para sa mga bagong silid-aralan dito sa KAWAYAN ELEMENTARY SCHOOL Sitio Kawayan, Brgy. Maruglo.

Nagpapasalamat po ako sa mainit na suporta ng Bangko Sentral ng Pilipinas Financial Supervision Sector (BSP-FSS) at Aeta Ako, Pilipino Ako Foundation sa donasyon na dalawang classrooms.
Maraming salamat kay Mr. Vicente T. De Villa III, Managing Director, at kay Mr. Aldrin Q. Javier, Director and Financial Supervisor sa inyong malasakit at pagtulong ng buong puso.

Ako’y hindi mapapagod paglingkuran kayo Capaseñio!

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac