Skip to main content

GIANT SUSI NG KALINISAN

Nakita ng lokal na pamahalaan ang pangangailangan ng dalawa sa ating pinakamalalaking barangay, ang Barangay Cut-cut I at Barangay Sto. Rosario, na mapalitan ang luma na at karag-karag na na garbage trucks.
Kaya naman bilang tugon, ngayong araw na ito, kasama ng mga opisyal ng barangay at ng mga residente, ipinagkaloob sa mga nabanggit na barangay ang dalawang modernong garbage trucks na syang magiging pangunahing kasangkapan upang higit na mapabuti ang garbage collection system sa ating bayan.
Bilang bahagi ng seremonya, minabuti nating gamitan ito ng ‘giant susi’ bilang simbolo ng pagpapasa ng ganun din kalaking responsiblidad sa mga barangay upang pangalagaan at panatilihin ang kalinisan sa kanilang paligid. Ito ay dahil sa ating paniniwala na ang bawat barangay ay isang mabisang katuwang sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating bayan.
Subalit alam nyo ba kung sino ang mas mahalagang susi sa kalinisan?
IKAW.
Sa pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat indibidwal, tiyak na mas magiging magaan ang pagganap ng ating responsibilidad na panatilhing malinis ang ating kapaligiran para na rin sa ating kaligtasan at kalusugan.
#garbagetruck #garbagedisposal #solidwastemangement #BatasAtReporma #MayorBootsRodriguez #Capas #SaGobyernongTapatCapasAngAangat #LGUCapas #TatakCapas

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac