
Entrepreneurial Development Training
PARA SA DAGDAG TALINO SA PAGNENEGOSYO💪🏆👍
Ang Lokal na Pamahalaan ng Capas ay patuloy na nagsusumikap na makapagbigay ng mga programa at proyekto na makakatulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mamamayan sa ating bayan.
Sa pamamagitan ng Entrepreneurial Development Training (EDT) at iba pang mga programa ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), sa pakikipagtulungan ng ating Public Employment Service Office (PESO), nakakapaghatid tayo ng mahahalagang tulong-pangkabuhayan para sa ating mga ‘aspiring negosyantes’.
ANO ANG ENTREPRENEURIAL DEVELOPMENT TRAINING (EDT) AT BAKIT ITO MAHALAGA?
Kahapon, May 29, 2023, naganap ang Entrepreneurial Development Training (EDT) para sa limang piling grupo sa ating bayan na nag-qualify sa DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).
Ang Entrepreneurial Development Training (EDT) ay isang programa na naglalayong turuan ang mga miyembro ng bawat grupo sa pagpaplano, pagpapatakbo, at pagpapalago ng kanilang mga negosyo upang maging matagumpay at mapanatili ang kanilang kabuhayan. Layunin din ng programa na maitaas ang antas ng kaalaman at kasanayan ng mga miyembro sa pagpapatakbo ng negosyo at maging handa sa mga hamon ng merkado.
Samakatuwid, hindi nasasapat ang ating pamahalaan na magkaloob lamang ng salaping puhunan. Bagkus ay tinitiyak pa nito na magagamit ito ng tama sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang paraan ng pagnenegosyo at paglinang ng mga kinakailangang kasanayan.
Dahil tiwala tayo na angat ang may alam!
Congratulations sa ating mga homegrown business groups- AETANG HUÑGEY INDIGENOUS PEOPLE AGRICULTURE COOPERATIVE, TINY BUBBLES ASSOCIATION, PURE PATLING ZUMBANATICS ASSOCIATION, CAPAS ACTIVE PARENTS ASSOCIATION & KALANGITAN ANGELS ASSOCIATION.
Hangad namin ang patuloy na paglago ng inyong mga piling negosyo.
Laban lang! 🙌💪
#Dole #dilp #entrepreneurialdevelopment #SerbisyongAngat #AngatCapas #BatasAtReporma #MayorBootsRodriguez #Capas #SaGobyernongTapatCapasAngAangat #LGUCapas #TatakCapas