Skip to main content

Declaring Municipality of Capas as Drug Cleared

Ito’y isang napakagandang balita: Opisyal nang “DRUG-CLEARED” ang ating bayan, Capas, ayon sa Resolution No. 2123, Series of 2023 ng Regional Oversight Committee for Barangay Drug Clearing Program.
Ang “drug-cleared” ay nagpapahayag na naabot natin ang mga kritikal na alituntunin ng mga sangay ng pamahalaan na nag-ugnay ugnay upang maging epektibo ang paglaban sa droga. Bagamat ito’y malaking tagumpay, patuloy pa rin ang mga ginagawang hakbang ng inyong lokal na pamahalaan para tuluyang mapuksa ang drug abuse sa bayan ng Capas.
Taos-puso akong nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo—sa ating mga kababayan, mga lider ng barangay, kapulisan, at lahat ng nag-ambag sa tagumpay na ito. Ang inyong suporta at dedikasyon ang nagpapatibay sa ating komunidad.
Maraming salamat sa inyong lahat, at umaasa ako sa isang mas makulay at maganda pang hinaharap para sa Capas!

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac