
Dagdag Liwanag | Bawas Panganib
NAGLILIWANAG ang mga pangunahing kalsada sa ating bayan dahil sa mga nailagay na karagdagang streetlights.
Noon pa man, hindi lingid sa akin ang inyong pagkabahala sa potensyal na panganib na maaring idulot ng madidilim na kalsada, hindi lamang sa mga motorista kundi pati na rin sa mga naglalakad at nagbibisikleta.
WE HEAR YOU AND WE FEEL YOU.
Ngayon, bilang tugon, puno ng liwanag ang ating mga kalsada dahil sa mga bagong streetlights. Ang dating madilim na daan, ngayon ay maliwanag na at ginawang sadyang ligtas at malayo sa panganib.
Ang inisyatibang ito ay isang malaking hakbang para sa patuloy na pag-unlad ng Capas. Kasama nito ang patuloy naming pag-aayos ng kalagayan ng traffic, ang pag-install ng CCTV sa mga pampublikong lugar upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, at ang pagbabalangkas ng programa para sa mas mahusay na serbisyo ng basura.
Nananatiling bukas ang aming tanggapan sa mga hinaing, suggestions at recommendations. Mahaba-haba pa ang ating listahan pero sa ating ganap na pagtutulungan, maaayos din.
Maraming salamat po.