Skip to main content

CONGRATULATIONS! YOU’RE A STAR!

CONGRATULATIONS! YOU’RE A STAR!
Sa dinami-rami ng mga kawani ng Munisipyo, may nag-iisang bituin na nagpamalas ng kakaibang liwanag dahil sa kanyang taglay na sipag at dedikasyon sa paglilingkod sa bayan. Sa pagtatapos ng taong 2023, binigyang parangal ng ating Lokal na Pamahalaan ang isang tagapaglingkod na nagbigay-halaga sa konsepto ng “Serbisyong Tapat at Mahusay.”
Ang taong ito ay walang iba kundi si Ginang ROSIE S. MANALO mula sa General Services Offices ng Munisipyo. Si ‘Atching Rosie’ ay nahirang na 2023 EMPLOYEE OF THE YEAR ng Local Government Unit of Capas.
Nagsimula si Ginang Manalo sa kanyang serbisyo para sa lokal na pamahalaan noong 1994. Sa halos tatlong dekada ng pagbibigay serbisyo, napatunayan niyang siya ay tunay na nagmamahal at tapat sa kanyang gawain.
Ito ang ikalawang taon sa ilalim ng ating administrasyon na nagbibigay tayo ng ganitong parangal bilang pagpapahalaga sa mga manggagawa ng bayan na nagsisilbi ng tapat at mahusay.
Sa pagtutulungan at pagmamahalan, asahan natin ang mas marami pang tagumpay at parangal na naghihintay sa ating mahal na bayan.
Mabuhay si Ginang Rosie S. Manalo!
Isa kang Capas Superstar! 🫰🫰🫰

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac