Skip to main content

Congratulations sa Ating Work Immersion Teacher

Salamat po sa pagpatnubay ng ating mga iginagalang na tagapamahala ng mga tanggapan at mga kawani ng Munisipyo ng Capas sa panguguna na ating butihing Mayor, ang Kgg Roseller “Boots” Rodriguez.
Muli pong nagkaroon ng karagdarang kaalaman ang ating mga mag-aaral sa kanilang work immersion. At inaasam po namin na ang mga natutunang ito ay bumuo pa sa kanila bilang isang produktibong Capaseño.
Salamat po sa pagkatuto sa labas ng silid-aralan at sa pagkakataong makibahagi sa serbisyo publiko.
Ito ang tunay na buhay.
Salamat din po kay PB Jude Lenon at SK Eris Austria sa inyong walang sawang suporta.
Congratulations sa ating work immersion teacher sir Diorlet Dolin sa mga natanggap na positibong komento. Ito po ay repleksyon ng inyong mahusay na pagpapatnubay at tatak ng mabubuting Julianans!👏❤️

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac