CAPAS BLOOD DONATION ACTIVITY 2019

KATANGIAN NG MAARING MAGBIGAY NG DUGO:

 Edad: 18-65 taong gulang
 Timbang: hindi bababa sa 50 kilo
 Pulso: 60-100 pintig/minute
 Presyon: Systolic ay 90-120; diastolic 60-80

PAGHAHANDA BAGO MAGBIGAY NG DUGO:

 Sapat na tulog at pahinga.
 Wastong pagkain,iwas ang mamantika at sobrang pagkabusog.
 Sapat na tubig sa katawan.

MGA KARANIWANG KATANUNGAN BAGO MAGBIGAY NG DUGO:

ITO BA AY MASAKIT?

 Makakaramdam lamang ng kaunting kirot sa pagtusok ng karayom.

KAILAN AT GAANO KADALAS MAARING MAGBIGAY NG DUGO?

 Sa mga lalaki, magpalipas ng 3 buwan bago muling magbigay ng dugo.
 Ang mga babae,maaring magbigay ng dugo pag:
 10 araw matapos ang huling regla.
 10 araw bago magsimula uli ang regla.
 Pagkatapos ng 6 na buwan mula huling pagbibigay ng dugo.

PAALAALA

BAGO MAGBIGAY NG DUGO:

 Kailangan ang sapat na tulog at pahinga.
 Kumain ng tama, iwasan ang mamantikanh pagkain at sobrang pagkabusog. Uminom ng sapat na tubig.
 Hindi dapat nakainom ng anumang gamot, alak o nanigarilyo sa loob ng 24 oras.
 Kung nagpa-tatttoo,nagpabutas o nagpalagay ng hikaw sa anumang parte ng katawan, magpalipas ng isang taon bago magbigay ng dugo.

PAGKATAPOS MAGBIGAY NG DUGO:

 Diinang mabuti ang bulak sa pinagtusukan ng karayom.
 Uminom ng maraming tubig.
 Iwasang yumuko.
 Iwasan ang mabibigat na gawain tulad ng: pagbubuhat, paglalaba at pagmamaneho ng sasakyan sa loon ng 1-2 araw.
 Kung mahilo, humiga ng walang unan at ipatong ang dalawang paa sa ibabaw ng 1-2 unan. Magpahinga ng 15-30 minuto.
 Kung magpasa o mamaga ang sugat dampian ito ng bimpo, 15 minuto na malamig,halinhinan ng 15 minuto ng mainit.

Sa iba pang impormasyon o katanungan maaring pumunta sa pinaka malapit na Barangay Health Station.

#donateBlood
#saveLIVES
#beaMODERNHERO

Copyright © 2020. Municipality of Capas, Province of Tarlac. All rights reserved.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!