CAPAS BLOOD DONATION ACTIVITY 2019
KATANGIAN NG MAARING MAGBIGAY NG DUGO:
📍 Edad: 18-65 taong gulang
📍 Timbang: hindi bababa sa 50 kilo
📍 Pulso: 60-100 pintig/minute
📍 Presyon: Systolic ay 90-120; diastolic 60-80
PAGHAHANDA BAGO MAGBIGAY NG DUGO:
📍 Sapat na tulog at pahinga.
📍 Wastong pagkain,iwas ang mamantika at sobrang pagkabusog.
📍 Sapat na tubig sa katawan.
MGA KARANIWANG KATANUNGAN BAGO MAGBIGAY NG DUGO:
ITO BA AY MASAKIT?
📍 Makakaramdam lamang ng kaunting kirot sa pagtusok ng karayom.
KAILAN AT GAANO KADALAS MAARING MAGBIGAY NG DUGO?
📍 Sa mga lalaki, magpalipas ng 3 buwan bago muling magbigay ng dugo.
📍 Ang mga babae,maaring magbigay ng dugo pag:
📍 10 araw matapos ang huling regla.
📍 10 araw bago magsimula uli ang regla.
📍 Pagkatapos ng 6 na buwan mula huling pagbibigay ng dugo.
PAALAALA
BAGO MAGBIGAY NG DUGO:
📍 Kailangan ang sapat na tulog at pahinga.
📍 Kumain ng tama, iwasan ang mamantikanh pagkain at sobrang pagkabusog. Uminom ng sapat na tubig.
📍 Hindi dapat nakainom ng anumang gamot, alak o nanigarilyo sa loob ng 24 oras.
📍 Kung nagpa-tatttoo,nagpabutas o nagpalagay ng hikaw sa anumang parte ng katawan, magpalipas ng isang taon bago magbigay ng dugo.
PAGKATAPOS MAGBIGAY NG DUGO:
📍 Diinang mabuti ang bulak sa pinagtusukan ng karayom.
📍 Uminom ng maraming tubig.
📍 Iwasang yumuko.
📍 Iwasan ang mabibigat na gawain tulad ng: pagbubuhat, paglalaba at pagmamaneho ng sasakyan sa loon ng 1-2 araw.
📍 Kung mahilo, humiga ng walang unan at ipatong ang dalawang paa sa ibabaw ng 1-2 unan. Magpahinga ng 15-30 minuto.
📍 Kung magpasa o mamaga ang sugat dampian ito ng bimpo, 15 minuto na malamig,halinhinan ng 15 minuto ng mainit.
Sa iba pang impormasyon o katanungan maaring pumunta sa pinaka malapit na Rural Health Unit o Barangay Health Station.
#donateBlood
#saveLIVES
#beaMODERNHERO