
BOOTS FRIDAY (SEPT 1 2023)
MASUNGIT NA PANAHON? HINDI PAPATINAG ANG ATING BOOTS FRIDAY DIYAN!
UMULAN MAN O UMARAW.. Tuloy-tuloy lang po ang pagbibigay natin ng serbisyong pangkalusugan.
Sa pagtatapos ng buwan ng Agosto, naging matagumpay ang pagdaraos ng ating programang BOOTS FRIDAY. Nais ko pong pasalamatan ang lahat ng mga tumulong, nagbigay ng panahon at lakas, sa ating mga healthworkers at mga volunteers, maraming maraming salamat po.
Ngayong buwan ng Setyembre ay mas lalo pa po tayong mag susumikap na maibigay ang inyong mga pangangailangang medical.
Kaya maki-isa at magpunta lamang po sa ating
programang Boots Friday, na naka schedule sa bawat barangay, upang mabigyan kayo ng mga libreng serbisyong pangkalusugan. Hangarin po namin na ibigay ang inyong mga pangangailangan.
Lubos din po ang aking pasasalamat sa mga medical workers at volunteers na kahit maulan ay nag laan parin ng oras upang makatulong sa ating mga kababayan sa Barangay Sto.Domingo II.
MARAMING SALAMAT PO AT MAG INGAT PO TAYONG LAHAT!