Skip to main content

Boots Friday Program: Libreng Medical Services on Brgy. Sto Rosario

LIBRE DITO. 👍
Sa panahon ngayon na tumataas ang presyo ng pangunahing pangangailangan- bigas, gulay, gasolina, atbp…dito sa Capas nananatiling LIBRE ang medical services dahil sa ating BOOTS FRIDAY PROGRAM.
At bukod sa libre, ang mismong BOOTS FRIDAY SQUAD, sa pangunguna ng ating CAPAS – Municipal Health Office , ang mismong lalapit sa inyong mga barangay upang maghatid ng LIBRENG tuli, LIBRENG check-up ng mata, LIBRENG bunot ng ngipin, LIBRENG gamot, LIBRENG relief package, at marami pang iba.
Dahil ang BOOTS FRIDAY ay taos ang layunin na mabigyan ang lahat ng pagkakataon para sa maayos na kalusugan.
Kaya saludo ako at taos-pusong nagpalasamat sa lahat ng mga tumutulong para maging matagumpay ang ating magandang layunin para sa ating bayan.
Ken tutuki yaku naman po ing ilibre yu. 😂
MARAMING SALAMAT PO!

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac