Skip to main content

Boots Friday On A Rainy Day

BOOTS Friday on a rainy day!♥️
Matagumpay na Medikal na Misyon at Programa ng Pagtulong sa Kabila ng Malakas na Ulan!
Bagyo ka lang, Capas MHO kami!☺️🥰
Pinagtagumpayan ng mga bayaning healthworkers ang hamon ng kalangitan habang nagpapatuloy ang medikal na misyon at mga programa ng pagtulong sa komunidad. Sa kabila ng walang tigil na pag-ulan, nagpatuloy ang mga doktor, nars, healthworkers at mga volunteers sa kanilang layuning magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga nangangailangan.
Isinagawa ang libreng konsultasyon, pagsusuri, at pagbibigay ng mga gamot na kinakailangan ng mga lokal na residente ng Brgy. Aranguren at Brgy. Manlapig katuwang ang lokal na pamahalaan at mga opisyales ng barangay.
Halos 900 na kababayan ang ating napagsilbihan at natugunan ang pangangailangan medikal.
❤️BLOOD TYPING/SCREENING/LETTING
Total – 62
❤️OPTICAL & OPHTHA SERVICES
Total – 194
❤️ORAL HEALTH PROGRAM
Total – 76
❤️TULI SERVICES
Total – 222
❤️SENIOR’S CHECK UP
Total – 172
❤️Other Services:
• (0-59 age) Consultation- 34
• Chest X- ray- 87
• Random Blood Sugar Test – 98
• Pneumococcal Vaccine – 50
• 3rd Booster Covid Vaccination for Healthworkers
• Birth Registration
• National ID Registration
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang nagpapakita ng kahandaan ng mga health workers na maglingkod kahit sa anumang kalagayan, kundi pati na rin ng diwa ng pagtutulungan at bayanihan nating mga Capaseño. Patuloy na nagpapakita ang ating mga kababayan ng resiliensya at pagmamalasakit sa bawat isa.
Sa kabila ng mga hamon na dala ng kalikasan, patuloy tayong magkakapit-bisig upang maabot ang mga nangangailangan at magbigay ng tulong at kalakasan sa ating kapwa. Ang tagumpay na ito ay isang patunay na sa bawat unos, mayroong liwanag ng pag-asa sa ating bayan. Angat Capas!
Roseller “Boots” Rodriguez | Batas at Reporma | Alex Espinosa | Roseller “Boots” Rodriguez | Franchette Reyes | CAPAS – Municipal Health Office | Capas Information Office

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac