Skip to main content

BOOTS FRIDAY (AUG 25, 2023)

Ngayong araw ay matagumpay na natapos ang ating pagbibigay ng mga libreng serbisyong medikal tulad ng eye care, dental health services, check-up, chest x-ray, at pneumococcal vaccine. Bukod sa mga ito, mayroon din po tayong Birth Registration at National ID Registration.
Sa mga taga Barangay Sta. Rita, maraming salamat po sa inyong pag suporta sa ating programa. Patuloy po tayong maghahatid ng serbisyong pangkalusugan para matugunan ang inyong pangangailangan.
Sa lahat ng ating mga healthcare workers at mga volunteers, maraming maraming salamat po sa paglilingkod sa ating bayan. Nawa ay marami pa po tayong matulungan.
Maraming salamat po!

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac