Skip to main content

BLESSING IN PATLING!

July 5, 2023 | Barangay O’Donnell — Taos-puso nating ipinagmamalaki at ipinagpapasalamat ang pagsusumikap ng Lokal na Pamahalaan, sa inisyatibo ni Mayor Boots Rodriguez, na matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan sa Barangay O’donell at mga karatig na lugar.
Nagtipon-tipon ang mga opisyales ng LGU, kasama si Vice-Mayor Alex Espinosa at ang mg miyembro ng Sangguniang Bayan, mga officers at health workers ng @CAPAS – Municipal Health Office , mga pamunuan ng Barangay O’donnell at mga mamayan ng barangay, upang saksihan at ipagdiwang ang Blessing at Inauguration ng bagong gusali ng Rural Health Unit II sa nabanggit na barangay.
Ang modernong pasilidad na ito ay magbibigay ng mas malawak na serbisyong pangkalusugan kagaya ng pagbabakuna, medical consultation at pagbibigay ng gamot sa mga nangangailangan. Inaasahang magdudulot ito ng mas mabilis at epektibong serbisyo upang mapabuti ang kabuuang kalagayan ng kalusugan sa barangay.
Nawa’y lubos na makatulong ang bagong RHU II sa paghubog ng mas maunlad at malusog na komunidad.
#BatasAtReporma #MayorBootsRodriguez #Capas #SaGobyernongTapatCapasAngAangat #LGUCapas #TatakCapas

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac