
Babala ng DOH
Lumusong ka ba sa baha?
LEPTOSPIROSIS
Isa itong impeksyon na nakukuha sa ihi ng mga infected na hayop tulad ng daga. Ang kontaminadong tubig o baha ay maaaring pumasok sa parte ng katawan na may sugat. Kung di maaagapan ay maaaring magresulta sa pagkasira ng bato, baga at atay na nagdudulot ng paninilaw ng katawan, pagdurugo sa loob ng katawan at kamatayan.
Mga Sintomas
>lagnat
>pananakit ng binti, ulo at ng likod ng mata
>pamumula ng mata
>paninilaw ng balat
>Kulay tsaa na ihi
>ubo, pagsusuka at pagtatae
Paano Maiiwasan
>Huwag lumusong o magtampisaw sa baha lalo na kung may sugat
>Gumamit ng bota kung kailangang lumusong sa baha.
>Panatilihin malinis ang buong bahay at buong kapaligiran
>Gumamit ng rat traps at rat poison para mapigilan ang pagdami ng daga
Kapag may lagnat ng dalawang araw matapos na lumusong sa baha, agd na magpakonsulta sa pinakamalapit na pagamutan.