Skip to main content

B.O.O.T.S. PARA SA KALIGTASAN AT KALUSUGAN SA PAARALAN

Kaugnay ng muling pagbubukas ng klase, abala ang ating mga guro at magulang sa paghahanda ng ating mga silid-aralan. Ito ang programang Brigada Eskwela .
Ngunit, higit pa rito, kinikilala namin ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan ng bawat mag-aaral habang sila ay nasa mga paaralan.
Kung kaya’t isa sa pangunahing layunin ng proyektong B.O.O.T.S ay ang magbigay ng iba’t ibang medical equipment tulad ng Bed, Oximeter at Nebulizer, Orthopedic Splints/ Slings, Thermal Gun at Safety Gears – sa bawat pampublikong paaralan upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang mga tauhan.
Sa pagkakaroon ng mga kasangkapang ito, masisiguro natin na makapagbibigay ng FIRST AID at agarang pangangalaga ng kalusugan ang bawat paaralan sa ating bayan. Makakatulong ito sa ating mga estudyante na manatiling malusog at ligtas habang nasa eskwelahan at nag-aaral.
Habang tayo ay patuloy na humaharap sa mga hamon ng pandemya, nananatiling matatag ang ating hangarin na siguraduhin ang kaligtasan at kagalingan ng bawat mag-aaral.
Sa tulong ng ating mga kasangga sa kalususgan mula sa CAPAS – Municipal Health Office nagpapatuloy ang ating pagtutulungan para sa ikabubuti ng bawat isa.
#BatasAtReporma #MayorBootsRodriguez #SaGobyernongTapatCapasAngAangat #Capas #LGUCapas #TatakCapas #BrigadaEskwela2023 #SchoolHealth #schoolhealthcare #schoolhealthprogram #schoolhealthprogram

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac