Skip to main content

African Swine Fever (ASF)

Paalala po sa ating mga hog farmers, ang banta po ng African Swine Fever (ASF) ay nandito parin. Mayroon pa rin pong naitatalang mga kaso na malapit lamang sa ating bayan.
Iwasan po nateng magdala ng mga baboy at pork products na nagmula ibang lugar. Hanggat maari kumuha lamang po ang katayan at alagang baboy mula dito sa ating munisipyo.
Hinikayat din po namen ang pagpapatupad ng Biosecurity protocols sa ating mga babuyan katulad ng:
– hindi pagapapsok ng ibang tao, kagamitan at ibang hayop
– bakuran ang ating mga pig pens
– hindi pagpapakaen ng kaning baboy
– periodical disinfection
Ipagbigay alam po sa aming opisina kung mayroon po kayong napansin na kahinahinalang pagkakasakit ng baboy.

Official Website of Municipality of Capas, Province of Tarlac