OFFICIAL STATEMENT sent by Mayor Reynaldo Lopez Catacutan from Germany, 8:00am Local Time

“Magandang umaga po sa kanilang lahat.

Gusto ko pong magbigay linaw sa aking naunang statement dahil ito po ay na misunderstood ng marami:

While it is true that I, as a Filipino, am in favor of the repatriation of OFWs from the province of Hubei, China, I feel perturbed by the fact that Department of Health (DOH) did not at all, in any way, involve the Capas LGU in its last-minute decision for New Clark City Capas to be used as quarantine zone for these Persons under Monitoring (PUMs). We acknowledge that the Bases Conversion and Development Authority (BCDA) has full jurisdiction over NCC, but I, as the Mayor of Capas, appeal in behalf of all Capaseños to our dear President Rodrigo Duterte and DOH Secretary Francisco Duque to consider another place or facility as isolation area.

This was not a FINAL STAND. I repeat, THIS WAS NOT A FINAL STAND but an initial reaction from a father who was protecting his family. Bilang ama ng Capas na malayo sa kanila, I initially reacted dahil nag cause po ng panic ang biglaang balita na sa New Clark City dadalhin ang mga repatriated Filipinos na under monitoring. We were blindsided. And we owed it to our people na mag explain sa kanila pero wala kaming full information the very moment na lumabas po ito sa national news.

Nagkaroon po ng spread of fear at fake news. Una dahil hindi po kami nainform, at hindi namin nai-relay sa mga tao.

Pangalawa, nagtaka ang mga tao kung bakit sa NCC, na pawang sports facilities ang mga pangunahing imprastruktura.. Bakit dito dadalhin ang mga kababayan, angkop ba ang NCC para doon? Matutulungan nga ba sila?

Ano ang magiging implication nito sa image ng Capas at ng New Clark City gayong may mga upcoming events sana dito. Ano kaya ang magiging future ng NCC kung magiging quarantine zone ito at biglang may magpositive. Ang NCC na ginastusan po ng napakalaki ng national government at ipinagmalaki natin bilang world-class facility. Baka masayang at magkaroon ng stigma o irreversible negative image bilang quarantine zone.

Pangatlo, ang reaksyon po ng mga tao sa Capas ay hindi po akto ng pagiging maramot kundi pruweba na ganito ang nangyayari kapag hindi naiintindihan ng mga tao ang sitwasyon, prublema at solusyon. Sila ay nagpapanic, natatakot, nagagalit at umaalma.

Ang mga tao sa Capas po ay nakaranas na ng napakaraming trahedya pero hindi po sila nakakalimot tumulong din sa iba sa napakaraming pagkakataon.

Wala pong authority ang LGU Capas sa New Clark City. By all means, hindi po kailangan magpaalam nino man sa amin para magamit ang mga facility na ito..

Kami po ay mga lokal lamang. Ang mga taong nakapaligid po sa NCC ay mga lokal. Minsan nakakalimot man po tayo na iinvolve ang mga community bago po tayo mag implement ng mga proyekto, program o measures pero ang mga maliliit na taong ito ay parte po ng komunidad. Karapatan po nilang malaman ang mga bagay na ganito lalo na it is a health concern at globally pinag uusapan po ito. Hindi po liability ang community kung sila ay well-infomed, mas makakatulong po sila kung aware sila.

Kaya kahit nagkagulo, sinikap namin magkaroon ng explanation dito, kahit through video mesaage lang, nagpaliwanag ako sa kanila, sina Vice, ang mga local officials, health workers at government employees.. At ngayong may full picture na, in the way we can and in our own language.

We in Capas, offer our home, our sympathy, and prayers for the health of our fellow Filipinos at sana po magkaroon na ng permanenteng solusyon para sa NCoV.

We Filipinos, always help each other at wala pong makakapagpabago doon. Only wrong information can destroy a relationship as strong as what Filipinos have.

Muli po, magandang umaga sa inyong lahat. Mahal ko po ang Capas, parte ng Pilipinas. Mahal ko po ang bansang Pilipinas.”




Get in Touch with Us

Our Location

Contact Information

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!