2019 SGLG AWARD, NAKAMIT NG BAYANG CAPAS

CAPAS, Tarlac – Sa 1,488 na Munisipalidad sa buong Pilipinas ay muling pinatunayan ng bayang ito ang mabisang pagsisikap sa local na pamamahala sa pamamagitan ng pagtanggap ng Selyo ng Mabuting Lokal na Pamamahala o Seal of Good Local Governance noong ika-5 ng Nobyembre sa Manila Hotel.

Ang SGLG Award ay mayroong Pitong (7) area na concern at assessment upang to ay makamit na kinabibilangan ng Fiscal Administration, Disaster Preparednes, Social Protection, Peace and Order, Business Friendliness and Competitiveness, Environmental Management, Tourism, Culture at Arts.

Dahil dito, pinasalamatan ni Capas Mayor Reynaldo “ReyCat” Lopez Catacutan ang Department of the Interior Local Government sa natanggap na award gayundin ang mga Department Heads at empleado ng bayang Capas dahil sa kanilang masipag na pagtatrabaho.

“Ang ating nakamit na award ay isa na naman itong tagumpay para sa mamamayan ng Capas. Sa atin po lahat ang panalong ito,” pahayag ni Mayor ReyCat.

Ang iba pang munisipalidad sa Probinsiyang Tarlac na nagkamit ng Prestihiyosong Pambansang Parangal ay ang bayan ng Gerona, Moncada, Pura, San Clemente, Santa Ignacia, Victoria at San Jose.
“Ito ang atin pangalawang beses na nakamit ang Prestihiyosong Pambansang Parangal,” pahayag pa ni Mayor ReyCat.

Aabot sa 306 na munisipalidad ang nagkamit ng Prestihiyosong Parangal sa buong bansa habang 63 naman mula sa Gitnang Luzon.

“That SGLG is not all complying with the requirements but is more of the positive feedbacks from the LGUs respective constituents. Good Leadership, Teamwork and Cooperation are the key in passing the National Award,” pahayag ni SILG Eduardo M. Año. (Albert Lomibao with pictures from Capas Information Office)



Get in Touch with Us

Our Location

Contact Information

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!